Ako si Romeo, ang lalaking uhaw sa lahat ng aspeto. Maaring lahat ng bagay ay mayroon ako pero hindi ako nakukuntento sa ganoon lamang, madali akong magsawa, nagulat nga ang mga magulang ko ng makatapos ako sa kolehiyo sa kabila ng lahat, sabi nga nila isa daw iyong himala, pero kahit na anim na taon akong nag-aral, pinagtyagaan ko talaga yon para sa mga magulang ko. Sa ngayon hindi ko naman nagagamit ang pinag-aralan ko, pero lamang naman ako sa aking mga katrabaho dahil mas madami akong booking kaysa sa kanila…
Hindi ko itatago, pokpok ako, ang panget pakinggan noh, pero yun ako eh. Kaiba ako sa iba dahil hindi kahirapan ang dahilan ko kung bakit ako nasa gantong trabaho. Hindi naman kami mayaman, pero masasabi kong nakakaangat pa din kami sa mga simpleng tao. Saudi boy si Papa, Principal naman sa isang paaralang pang-elementarya sa probinsya si Mama. Siguro kahit hindi ako makipagsex at hindi ako bayaran ng mga customers ko e mabubuhay pa din ako kasi malamang ay nasa opisina ako at nagtatrabaho. Kung ano man ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong mundo, hindi ko din alam. Pero sigurado ako na masaya ako sa ginagawa ko at literal na nakakapagpasaya ako ng iba. Masaya ako kapag nasa akin ang atensyon, masaya ako kapag may yumayapos sa kabuuan ko, ramdam na ramdam kong lalaking lalaki ako.
Hindi ako ibong pang-gabi, kahit anong oras pwedi ako, hindi bugaw ang tawag namin sa head namin kung hindi manager. Wala ako sa bar, wala ako sa aquarium, wala ako sa malate o kahit saan pang pugad ng kalaswaan, madalas nasa spa, gym at bahay lang ako, kailangan kasing maging malinis at makinis, yan ang puhunan ko. Hindi ako long hair, professional akong pokpok, naka neck tie pa nga madalas. Hindi talent fee ang tawag ko sa binabayad sa akin, sometimes i call it as Professional’s Fee, sometime Consultancy Fee, kasi naman I always used my thermometer to test their temperature. hahahaha…
Nagsisimula pa lang ako, muka na bang madaldal? Ganon yata kasi ang mga taong wala laging permanenteng kausap. Sa ngayon sana’y wag nyo muna akong husgahan. Sa mga susunod kong blog I will make sure that lessons are there…
Pero ano nga ba naman ang matututunan mo sa isang pokpok na tulad ko…
wow! first time kong makabasa ng ganito.. ibang mundo ang ginagalawan mo…sige chika ka lang… walang huhusga sayo, mas marami pa sigoro ang magbibigay ng respeto.
kelan ba ako nakaranas ng rspeto? hindi ko alam kung ano ang respeto.
Drama, gusto ko ‘yan..makikiiyak ako pero mas gusto ko ako ang direktor.
Maligayang pagdating pala sa mundong ito.
Tama sila, pwede mong ilista lahat ng nalalaman mo dito, pwede mong idura lahat ng nais mo.
salamat po ginoong kulisap, siguro puno ng drama ang buhay nyo…
Drama pwede, para kasali ka sa drama ko, komedya pwede rin..bale baga’y sentro ng aking obra ay ang aking kapaligiran…mas gusto kong panaknakin ang sugat kaysa sa paghilumin ito.
kulisap, sino bang blogger ang nakakaalam ng buhay mo? kung saan ka galing? anong pangalan mo? ilan kayong magkakapatid?.. at kung puno nga ba talaga ng drama ang buhay mo?
meron bang blogger na alam ang mga yun?
si kulisap ba ay isang hindi nyo kaibigan, wala bang nakakaalam ng kanyang pagkatao… aba uso rin pala dito ang mga ganyan.
Ang kaibigan sa akin ay isang mataas na uri ng pakikipagrelasyon, hindi ko kayang tugunan ang relasyong hinihingi ng lipunan.
Basta ako si J.Kulisap, pasalamatan mo na lang na dadalawin ko ang room mo para masatisfy ka.
uso yan tlg! kya wg na tayong magtanong kung sino ang isat-isa kung ayw nateng magsinungaling ang taong tinatanong naten…
hi! perstaym ko yata d2..
mjo noti e2ng blog mo ah impernez…
😆
Wala yata Ax, walang blogger.
hm.. wala bang blogger na kakilala ka? akala ko kase nag-e exist na siya J.Kulisap.. hindi pa pala.. teka, di ko na hahabaan tong comment ko dahil baka matawag kita sa pangalang, er, wag na.. aw.
pangalang ano ax? J-kul? lol
so close na kayo ni kulisap… nagtatago ba si kulisap o nocturnal ba yang si kulisap.
Ang batang makulit pinapalo sa pwet ng buntot pagi. Masakit yon Ax.
Lababo, JKul..oonga ano…cool. pwede.
Ipagpalagay ng hindi ako marunong makihalubilo at walang kalatoy latoy na kulisap.
Saka hindi ako ang pinag-uusapan dito.
Nakakahiya naman kay G. Romeo.
Okay lang na ikaw ang pag usapan, mabait naman si romeo. Ipaglilinis ka pa nya ng chimineya. di ba?
o sya..pwede narin cgorong respeto sa sarili.
iba-iba ang tadhanang tinatahak natin ngunit kung titingnan pare-pareho lang naman…
lahat gustong mabuhay ng malaya… lahat gustong makaranas ng pagtanggap….
tingnan pa natin sa mga susunod na pagkakataon kung mabibigyan mo ako ng respeto… pero ngayon pa lang aninipot pinasasalamatan na kita.
aysus! kaya ka nga pumasok sa mundo ng blogosperyo para ikwento ang buhay mo..
kung di man sila aayon sa mga sinasabi mo, im sure kaya ka nilang intindihin..
walang basagan ng trip dito.
salamat aninipot… kung sa ibang blog na nababasa ko hindi din naman ako sumasang-ayon sa laht, pwedi namang hindi magcomment di ba… respetuhan lang.
Kung ako ay birhen at inosento, magpapaturo akong tikman ang pagnanasa ng isang demonyo.
Pero hayaan mong mas gusto kong tikman ang lasa ng iyong utak..dahil mas nakakalibog ‘yon…
Mas nakakauhaw.
Pokpok..akala ko sa babae lamang iyong ginagamit..pwede rin pala sa lalaki.
hahahaha hindi nakakalibog ang utak ko, ang mga galaw ko ang nakakalibog. (natatawa tuloy ako)
lalakeng pokpok ako..
Kung ikaw itong binibigyan mo ng pangalan sa mundong ito, ngayon pa lamang hinahangaan na kita.
Walang taong malinis, lahat may harot, may dungis, ang importante, pagkatapos maputikan ay matutunang lumangoy sa malinaw na tubig.
Tsarannn…tsarannn…hayop pare.
humahanga ka sa marumi? kung ganon salamat, natutuwa ako.
kung ganon, bakit ibong panggabi ang title?
mali ba ang title ko o hindi mo nagustuhan?
walang mali at okay lang sa akin.. nagtataka lang ako bakit yan ang title..
OT: congrats sa fastest growing blog! ayos ah!
huli ko na kasing naisip, ipopost ko na lang hindi pa tinggap kasi daw walang title, pero mukang ok naman sa panlasa ko.
I’ve never met a very transparent person like you in the cyber world! You rock man! 3 thumbs up to you!
i always rock the world of others hahahaha…
hindi ako transparent, hindi din naman kasi ako kilala ng iba, yun lang naihahayag ko ang mga karanasan ko… salamat sa pagbisita.
pre pwedeng mag apply, pasok mo ko jan.. hehe.
okay lang yan..
lahat tayo nabubuhay nang may kanya kanyang dahilan.
Minsan may mga nanghuhusga pero maraming tao ang bukas ang isip.
Welcome sa bagong mundo..
sa mundong may laya kang magsabi ng kahit ano.
Parang tao ang nagsasalita, akala ko lababo… ang galing, alam mo nakakulong ako sa ginagawa ko, una hindi ito ligal, pangalawa imoral ito. oo masaya ako pero hindi lahat ng nagpapasaya sa tao e tama.
“hindi lahat ng nagpapasaya sa tao ay tama.”
syet pwede nang ilagay sa deathstone ko! etong eto talaga ang ako.
Hindi orihinal yon lababo, pa epal lang…napanood ko ang movie ni Maricel Soriano minsang nabigyan ako ng chance na makapanood ng TV..
‘di ko lang matandaan ang titol ng movie.
Paepal lang po..peace bro
makiki-epal lang din po…kahit na sobrang tagal na nitong post na ito eh makiki-epal pa din po sana ako..hehehe
hmmmm…hindi po kay Maricel Soriano yung linyang yan..”hindi lahat ng ngpapasaya sayo ay tama”…kay FPJ po…hahahahahaha!
peace po sa lahat ^___^!
sige ipalagay mo na, pero wag muna ngayon kasi mababawasan ang mga mababasa ko. hahahaha
wahehe. na iinspire ako.. gusto kong maging pokpok din!
oh my gosh! hindi ko akalain na isa ka palang hummer boy. (medyo mas mainam sa pokpok).
Pero bakit nga ba? sensya na usisero ako..
Dati rin akong Call boy.. Pero hindi pokpok.
Call boy dahil ako’y tagatawag ng pasero na gustong sumakay ng jeep..
ah, quiapo, quiapo.. isa na lang.. bibiyahe na..
mmm.. isasama kita sa blogroll ko para mabilis ang trapiko papunta d2 sa pugad mo.. gustong makausap ang pokpok..este! hummer boy na lang.
Tanong ko lang.. Pudpod na ba ang bototoy mo? he he he
yan yung tumatawag ng kogeyo kogeyo… maingay yun, sasabihin sampu pa sampu pa pero wala naman na talaga whahahahaha…
yung butoytoy ko ayos pa naman gaya pa din ng dati hindi nagbabago ang hugis at laki…
medyo nagulat ako ah (medyo lng)..hehehe
first tym ko makabasa ng ganitong blog post coZ the topic was so unusual..
topic lang ang unusual pero sa ating bansa at sa iba pa, talamak na ito… salamat po
babalik ako.. mukhang interesado post mo. 🙂
o ito na po nagbabalik na po.
kung saan ka masaya suportantahan ka namin..
kaw lang yung narinig kong pokpok.. teka bakit pokpok ang term mo?
btw, ikaw lang yung pokpok na natutuwa sa ginagawa mo.
kung totoo ang sinasabi mo…, so panghabang buhay ka ng ganyan? marami pang oras para magbago ka ang sekwal hanggang 50 lang yan o mas mabab pa, pag dating ng panahon di na yan tatayo lols. Nyahahahaha juk lang.
mag asawa ka na lang at doon mo magitin ang kapokpokan mo lols. 😛
wag kang mag alala, matatalino ang mga bloggers at hindi ka nila mamatahin. kahit na hindi lahat ng tao sa blog ay kaya mong i-please mauunawaan ka naman nito, kaya handa mo ang tenga mo sa mga mababasa mo, hindi mo man literal na maririnig pero uusok ang tenga mo.
enjoy ka lang sa pagpopost 🙂
marami kang matutuhan sa pagbablog.
oha ang haba ng comment ko o. 😛
P.S hiring pa ba dyan? sali mo ako wala na ako trabaho e heheheh lols.
pakilala mo ako kay manager 🙂
pokpok ang ginagamit kong salita, bakit, kasi yun ang nakasanayan, callboy, puta, martilyo, hamlet… pareparehas lang yun…
heksayted na akong makilala ang mga magkokomento sa akin, sana hindi ako makatanggap ng hindi kanais-nais pero kung meron man tatanggapin ko yun ng maluwag…
kung sa bakante naman, maraming bakante, basta make sure na gwapo ka at matangkad, requirements kasi yun e… (nagrerecruit na ba ako) lagot…
nauna kaya akong mag apply kay otep… first come first serve dapat!
hahaha… kayo talaga…
marami naman daw vacant lols.
nagbago na isip ko. yabang! nayahahhahahahahha
puwede bang pangit na lang saka pandak. lols..
may requirements pa.. hehehehe
syempre naman sino naman ang makikipag deal sa panget di ba, pero wala namang panget sa mundo, kung hindi maganda ang pisikal maganda naman ang ugali, dun ka na lang bumawi, pero alam mo naman at hindi naman siguro kaila sa lahat na kailangan sa ganitong trabaho at itsurang pisikal ang pinaka importante, kahit bobo dito pwede.
Magpatuloy ka lang…
tuloy pa rin ako….
hala mr totoo ba yang mga sinasabi mo, lagot ka maraming mga pari dito, pero kung ang gusto mong iparating ay ang pagiging bukas mo sa lahat wala namang masama… ang bawat kwento maaring walang aral kung hindi susuriin pero kapag pilit itong hinanap pasasaan ba at magiging isang baul ito ng mga gintong aral sa buhay.
natawa ako sa panakot ni Alvin.. “maraming pari dito..” hindi siguro alam ni Romeo na may isa na siyang commenter na pari.. aw, sorry pero pinagsabihan kaming bawal ipagkalat kung sino siya, di ba alvin? hehe.
very well said alvin…
ang lalim ng ibig mo tukuyin… 🙂
oo nga tama si livingstain, naniniwala ako sa sinabi nya… pero marami bang pari dito, magagalit ba sila sa akin?
ax may nagcomment sakin na pari… sino?
arsean hukayin naten
cool, this is my first time to read a blog from a blogger like you. nice.. buti nakakapagblog ka pa.. pagpatuloy mo lang ang pagbblog. masaya din to! 😀
Salamat Mr Servigon, salamat sa pagdalaw, nagpunta ako sa blog mo, nagustuhan ko yung mga gadgets mo, magkakasundo tayo jan pare… kaso hindi pumapasok yung comments ko…
Una, naguluhan ako kung anong isusulat ko dun sa box ng “sulatroniko”! Ahahaha…
Well, di gaya ng ibang nag-comment dito, hindi ko first time na makabasa ng mga ganyang posts… Madami-dami na rin ang nabasa ko… Ehe…
Bakit nga ba “Ibong panggabi” ang taytol? E ikaw na mismo ang nagsabi na hindi ka ganon? Ehehehe…
Tama naman ang paggamit mo ng term na “pokpok” eh… Kasi panglalaki talaga yun.. Kasi, ang pambabae, “pekpek”! Wahahaha…
Naku! Lumalabas ang katalasan ng dila ko dito! Wahahaha… Maninibago nito sina Kuya Ax at Kuya Tsi!
Speaking of, napadaan na ba dito si Kuya Tsi? Kasi nakita ko na si Kuya Ax dito eh! Ehe…
At sino kaya yung pari dito? Ahahaha… Si Fr. Fiel lang ang kilala kong blogger na pari eh! Ehehe… And I doubt na kilala niya ako!
Naku, humahaba na naman ang comment ko, wala naman ka-kuwenta-kuwenta! Ehe… Pasensya na Mr. Pokpok! Peace!
Respect? Ewan… Basta ako, I don’t judge a book may it be by its cover or by its contents… Di naman ako judge eh! Aha!
Ako ay na-inspire sa’yo kasi antagal ko na gustong i-blog yung mga dark secrets ko, di ko man lang magawa tapos ikaw, unang (or should I say pangalawang) post mo palang, bonggang bongga na agad yung laman! Ahahaha… Keep it up!
Welcome to this world! Dami ka ma-eexperience dito! Sensya na, medyo madaldal lang talaga si Kurog! Ehe… Minsan, mas mahaba pa yung comment ko kesa sa mga kino-comment-an ko! Ehe…
una sa lahat SALAMAT sa mga sinabi mo kurog, ramdam na ramdam ko ang aking pagkalalake este na merong dating pala ang mga karanasang sinulat ko…
wala akong alam kung papaano maglapat ng titulo sa bawat sulatin, ang alam ko lang maari mong ilagay ang kahit anong gustuhin mong titulo, meron o wala man itong kinalaman sa kabuuan ng isang akda, well i think may connection naman ang taytol ko, kabaliktaran nga lang.
salamat kurog…
Oo nga naman! Ahahaha… Sorry, my bad!
Hawak mo ba ang titi mo kaya ramdam na ramdam mo ang pagkalalake mo! Ahahaha… Joke!
Bakit yung comment ko sa ibaba ay hindi mo in-approve? Ahahaha… Peace!
Hmm… Dito lang ako sa blog na ‘to nakakapagbanggit ng mga ganitong salita! Ehe… Kadalasan kasi, very timid ako! At never ako nagsasabi ng ganyang salita kahit sa personal.
Pano ba naman kasi, sobrang open ng author ng blog na to kaya naman di na ko nahihiyang gumamit ng mga salitang bulgar! Ehe…
Salamat!
sabi nila walang mali sa pagsasabi nang kung anong nararamdaman mo, salamat kay syetehan kasi pinaalala nya sa akin ang pagiging responsable sa mga gagamitin ko salita sa SUSUnod kong mga blog.
Siguro, choice-of-words-wise, ok lang kahit ano gamitin.
Ang dapat ingatan ay kung paano ito gagamitin at kung kanino ang bagsak ng mga salita.
PS.
May Facebook account ka ba? Add mo kami para chikka-chikka tayo dun, at patataasin namin ni Kuya Ax ang value mo sa Friends For Sale! Ahahaha…
facebook? hehehehe
Uu… Mas madami magagawa doon na bonding! Ahahaha… Farm Town, Pet Society, Cafe World at kung anu-ano pa! Aha!
facebook ang sumisira sa blogging. ayoko non! pero salamat sa pag aalok. at bibigyan na kita ng suki card kasi palagi kang nandito… happy birthday, nagcomment ako sa isang blog mo.
Ahahaha… Wushu! If I know, nasasabi mo yan kasi meron kang Facebook account!
At teka-teka! pano mo nasabing “Facebook ang sumisira sa blogging? E sabi mo first time mo ‘to?
Hmm… Baka naman first time mo after a long time ng paghinto sa blogging dahil sinira ng Facebook ang blogging career mo dati? Ahahaha!
Ang-likot ng isip ko noh? Aha…
Well, interesado kasi ako kung anong comments ng mga nagpupunta dito… Ehe…
Suki card? Aba’y sige! Masaya ‘yan! Aha!
tama adik ako sa facebook… whahahaha kaso sabi ko nga madali akong magsawa, isa pa yoko na ng farmville, namamaho ako, magkatapos ko kasing mag computer tapos kailangan ko na maligo hindi pa din pwede kasi masakit yung mata ko… ayon namamaho ako… try ko naman tong blogging. yung facebook stambay na lang muna sya jan…
Sabi ko na nga ba, I smell something fishballs eh! Ahahaha!
Naku! Kung ako, after magcomputer ng 12 straight hours, ligo agad eh! Aha…
PS.
Salamat sa pagbati!
Saang blog ka nag-comment? Ehehe…
Sana sa Fesbook nalang! Ahahaha…
dunsa blog mo na may ondoy.
PS again
Ehe… Ngayon ko lang narealize ang meaning ng suki card. Yun ba yung ma-include sa blogoll mo?
Aha… Salamat! pero hindi ko po blog yung nilagay mong link doon! Ehe… Kung pwede sana yung http://mynameiskurog.com nalang ang ilagay mo… Ehe… Salamat!
welkam, welkam sa blogging.
simpleng payo pero totoo at dapat gawin:
maging responsable sa iyong panulat.
makaka asaka ka ginoo, salamat sa pagpapaalala, inonote ko yan…
sabi ko sayo eh mag-ingat ka kay ax. ayun at nahawa ka na emo nya.
btw, si kulisap ay si joe cruise. half tisoy, half kamote, 100% balagtas ang tagalog. kulisap by day, alitaptap by night…no, di sya tag-ermita.
alitaptap, aba makulay pala si kulisap…
Kamuhi muhi ka talaga GK, alitaptap.., pwede kapamilya ng mga insektong katulad ko, mataas lamang na uri, mga sosyal.
Makulay na makulay Romeo pero ang kulay niya ay nakakalason.
Nararamdaman ko nga ang maraming lessons na matututunan ko sa yo in your future posts.
Oh, and welkam sa mundo ng blog.
salamat sa pag welcome, sana sa mga susunod pang araw ay makita ulit kita dito, makakaasa kang babalik balik ako sa blog mo…
Ahahaha… Natatawa naman ako…
Na-realize ko kasi na… Mukha ngang pang-pokpok yung balat, ilong at labi mo! Ahaha… Ang ganda kasi ng features mo, katulad nung mga nadadaanan kong nakatambay sa harap ng mga hosto bars pag papunta ako sa school! Aha… Nakasuot ng black na sando, punit-punit na pantalon tapos na ka-motor… Aha, at may highlights ang hair! Nyahaha… Pero sabi mo nga, pang-professional ang dating mo, di tulad ng mga yun! Aha… Peace!
ok lang, kapamilya ko din sila, kaso lang kahit sa profession namin ay meron pa ring nakaaangat at nakabababa…
wala pa dito si Tsi, Kurog. OA ka dami mong sinasabi dyan. Haha.
andaldal nni kurog no, nakakatuwa… gusto ko yung mga ganya, pwedi kang magpokpok marami kang ikukwento sa customers mo… hahaha
Wow! Flattened este flattered naman ako! Talaga? sige nga, turuan mo nga ako ng iba ko pang dapat matutunan para maging isang ganap na pokpok! Ahahaha!
Walang pakealamanan Lolo Ax! Mga matatanda talaga, hilig mangealam sa mga bata! Ahahaha… Kita mo sabi ni roomboy sa baba nito? Aha… Wala ka pala eh! Ahahahaha! Peace Kuya Ax! Lam mo naman, ganyan lang talaga si Kurog maglambing. Parang nang-aasar lang. Pero alam naman nating mas malambing ka! Ahahaha!
kurog kailangan dito 21 na, pag 21 ka na i will teach you na…. hahahaha kulit mo bata ka…
Haha! Kuya! Pwede na ‘ko! Kaka-tungtong ko lamang sa eded na dalawampu’t isa nung ika-lima ng oktubre, taong kasalukuyan! Ahahaha!
happy birthday by click 5…
about sa iyong post…
hindi kita hinuhusgahan o mas magandang sabihing, sa blogosperyo wlng huhusga sayo..
merong mga magpapayo, magbabasa at makikisimpatya sa iyong mga tuturan d2 pero wlng huhusga…
wow, sa sinabi mo, papahalagahan ko iyan at magkakamit ka sa akin ng maraming respeto… salamat.
nakisilip ako sa blog mo. thanks for visiting ah. see u around bro..
-enJAYneer-
JAYtography: An Online Travelogue
sige po babalikan kita…
ang dami ng comments ah..welcome po.
isulat kung ano ang gusto mo..bahay mo ito at walang hahadlang sayo.
salamat sa pagbisita sa bahay ko.
salamat po sa paalala, oo nga naman bahay ko to, wala namang pilitan di ba, kung may tumanggap edi good, kung wala ok lang. salamat po
pansin ko lang ha, bakit puro lalake ang readers mo?
hoy mahiya ka! sinong lalake? binibuni ako nwoh!
si sows ay ganap na babae..
Babae po ako kuya Romeo! Ahaha!
21
Ayos naman ung ganun… hehehe
Ibon nga.=P
i-bone mo sila.hahaha
hahahaha i-bone ko lahat,
oi congrats at dami k ng tgahanga..naunahan mo pa ako na matagal ng ngstart hehehhe..nwei congrats.. pagpatuloy mo kung san ka msaya pero at the same time tol tignan mo din kung san ka mapapabuti..
welcome to the blog world bro
Galing ni Kuya AB no? Ahahaha….
AB?
-ricodebuco madami na ba akong comment, hindi naman iilang tao lang yan bumabalik balik lang…
Ako rin.. muling bumalik para kumustahin si hummer boy…
Nasan ka na? nagtatago ka na yata? he he he
may kanya kanya tayong paraan para mabuhay, para aliwin ang sarili para ilabas ang nararamdaman ….sa anumang paraan may kanya kanya tayong papel sa buhay n ginagampanan..depende sa taong makakakita o susuri sa kapawa nya ….ang tanong totoo bang masaya k sa ganyang paraan
go go go
madaldal nga pero sa totoong buhay, tahimik at laging nag-iisip 😀
naligaw sa blog mo..
patambay muna at magbabasa-basa…
Ayus!!!
Bilib ako sa tapang mo na ikwento ang mga karanasan mo bilang pok-pok.
Hope to read more blog from you!!!
ayos. isang professional na pokpok. hehehe! sana nga may mapulot akong aral sa mga susunod na babasahin ko sa blog mong ito. daan ka din sakin. kwentuhan tayo.
fitrst time ako sa blog mo, medyo nakakagulat, ang tapang kase ng post mo. mali, ang bangis.
sobra akong napatitig sa monitor ng ilang minuto.\
pasensiya. si ravy ang nakikita ko sa iyo.
…