PAG-IBIG-sa masalimuot nitong aspeto

Kailan ba dapat makipag breyk? Kailangan bang isaalang-alang ang mga paparating na okasyon o basta nararamdaman mong hindi ka na masaya e sapat ng dahilan yon para tapusin na ang lahat.

Napakadaling magmahal, madali din itong pag-aralan, pero ang pakikipaghiwalay, walang angkop na salitang makakapagpaliwanag ng sakit na dulot nito sa dalawang taong naging talunan. Ang totoo nyan mahirap tumanggap ng pagkakamali, ang hirap din magparaya, pero mas mahirap magpakasaya kahit durog na durog ka na. Lahat yon dapat kayanin ng pusong sugatan para sa kanya at para sa taong minsan din niyang minahal.

May mga pagkakataon na kung anong init ng pagmamahalan nyo noon ay sya namang lamig ng katapusan nito, nakakalungkot din isipin na kahit na ibibigay mo na ang lahat para sa kanya sa pag-aakalang sya na ang dahilan ng pag-ikot ng mundo mo ay dadating pa din sa nakakatakot nitong katapusan. Kailangan nating maging matatag, sa mga puntong ito, hindi dapat galit at luha ang pairalin, dapat nating piliting hanapin ang aral na nakapaloob sa bawat kaganapan sa ating buhay masaya man ito o malungkot.

Kung sabagay hindi mo naman nanaising patagalin pa ang lahat kung tingin mong hindi ka na masaya, ang pag-ibig na pinagtatagal lamang ng dahil sa panghihinayang sa tagal ng pinagsamahan ay isang damong makamandag na hindi makakatulong sa relasyon ng dalawang taong mas mabuting tawaging naglolokohan. Simple lang ang punto, maging handa tayo sa mga posible at nagbabatang mangyari.

Kung ayaw mo na, tama na, pero tandaan mo na huwag kang basta basta nakikipaghiwalay tapos babawiin mo din naman sa huli, mainam pa ang makipag cool off ka muna kung tingin mong kailangan nyo muna ng pahinga. Ang pagbibigay ng tuldok sa isang relasyon ay isang seryosong bagay at kailangan pag-isipan ng mabuti at hindi kailangang paulit-ulit.

Hindi ginawa ang puso para palagi lang sirain

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

67 Responses to PAG-IBIG-sa masalimuot nitong aspeto

  1. taga-bundok says:

    romeo! oh romeo!
    pare koi… muli kang nagbalik! welkambak!

    galeng… kasali rin ‘to sa pakontes ni J. Kulisap. :]

  2. aninipot says:

    “hindi ginawa ang puso para lang sirain” — may punto ka, pero kasama yata sa proseso na sisirain muna ito bago maging buo.

    napaka-kumplikado ng mundo ng pag-ibig.. ang hirap intinddihin..hahahaha

  3. yakee says:

    tol nagbalik ka aus tong post mo..manalo ng dapat manalo..siya nga pla punthan m ung entry ko

  4. etchosera says:

    Hindi ginawa ang puso para palagi lang sirain

    …. tama ka. Halika ayusin natin wahahaha feeling close ako. padaan lang

  5. kuhracha says:

    naniniwala akong tumatatag ang puso dahil sa mga pangyuyurak at pagkabugbog na natanggap nito. di kinakailangang maging bato, pero may aral tayong mapupulot sa bawat kwento ng buhay.

    other than this, agree ako sa mga sinabi mo. =)

  6. J. Kulisap says:

    Nagbalik ka dahil sa aking pag-ibig?

    Ikinatutuwa ko nang labis ang muli mong pagsilip sa ating mundo Sir Romeo.

    Nasisira ang puso dahil nakakaramdam ng pagsiklot pero ang mahalaga, nandyan ang puso para bumalanse sa pagkasira nito.

    Ito pa rin ang gagamot sa kaniyang kasiraan.

    Welcome back. Hugs.

  7. Arnie says:

    masalimuot na maituturing ngunit kung sa ganoong paraan mo lamang mapapalaya ang dalawang pusong wala ng pagmamahal sa isa’t isa…mas mabuting maramdam mo saglit ang pait ng paghihiway at harapin ang bukas at paunti-unting paghilumin ang minsang sawing puso…🙂

  8. Lambing says:

    ouch! masakit nakakasakit hahaha

    ang gulo haha tagos oh..

    May mga pagkakataon na kung anong init ng pagmamahalan nyo noon ay sya namang lamig ng katapusan nito, nakakalungkot din isipin na kahit na ibibigay mo na ang lahat para sa kanya sa pag-aakalang sya na ang dahilan ng pag-ikot ng mundo mo ay dadating pa din sa nakakatakot nitong katapusan. Kailangan nating maging matatag, sa mga puntong ito, hindi dapat galit at luha ang pairalin, dapat nating piliting hanapin ang aral na nakapaloob sa bawat kaganapan sa ating buhay masaya man ito o malungkot.

    tama tama kailangan tignan natin kung ano yun matutunan natin

    padaan😉

  9. salbehe says:

    Agree ako sa sinabing mong “Kung ayaw mo na, tama na.” Katulad ng sinabi ni Bob Ong, “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

    Yan ang batayan ko kapag nakikipag-break. Masakit. Masakit na masakit. Pero hahayaan ko na lang bang lagi akong tanga? Ay wag mo na pala sagutin baka tama ka. =)

    Nagbackread ako, naaliw ako sa nabasa ko.

  10. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  11. poy says:

    awww hayuufff ayon totoong totoo yan parekoy!! pero may tao pa rin naman na alam mo yon sisirain ka ng sisirain pati pagkatao kaluluwa mo dahil nasaktan sila ayon nga lang dahil nasaktan sila and we dont know how long we could hold on to understand them dahil nga nasaktan sila and as if naman di sila nanakit din wala lang that was just a thought…

  12. Joyo says:

    alam mo kung sino ang talagang talunan… yun yung taong hindi na sumubok umibig ulit dahil minsan ng nasira ang kanyang puso…

  13. nhix says:

    “Simple lang ang punto, maging handa tayo sa mga posible at nagbabantang mangyari.”

    haaay pagibig… kakambal lagi ay sakit..
    padaan po ako.

  14. kayedee says:

    teka! pdeng mag awtz! lolz..
    almo yan ang natutunan ko sa huling pag ibig ko, na wag agad agd mkkpag hwalay kung hnd cgurdo. kc hnd nman lht ng tao eh madaling kauspin pra sabihing mahal p rin kta pls bati na tayo!shakz! lolz. kalola!ahaha

  15. Pong says:

    napadaan lang po sir,
    kailangan talagang handa tayo sa Pag-ibig dahil ang pag-ibig matagal ng handa.

    be blessed sir

    agree ako sa last line mo.

  16. jongskie721 says:

    paano mo nga ba malalaman na tama na? o kun cool off lang? o kung mahal mo pa rin at hindi ka pa rin nagsasawa? ano ba to nasa pang 25 pa ako sa lahat ng lahok sa kontes ni jkul, durog na durog na ang puso ko😦

  17. Tubi says:

    kapag open-minded daw ang isang tao, sabi nila di masyadong masakit pag magkakahiwalay…

    sana close-minded na lang din ako.
    pareho lang din pala. pak!

    padaan po ginoong romeo. *kaway*

  18. etchosera says:

    romeo lahat tau ay panalo na kay kuya j.

    at lahat ng umiibig ay panalo dahil sa angking mga lakas ng loob.

  19. Sphere says:

    …kung hindi mo kayang panindigan wag ka na lng muna magmahal para isahang bagsak lng:-(

    magbabackread lng muna ako coffee pls pakidala don sa sulok ska padagdag din ng boy bawang…:-)

    hug nga pala kita sa blogroll ko ok🙂

  20. Unni says:

    aray~pwedeng makarelate??hehehe
    kung ayaw na tama na kasi mas parang naglolokohan nlng kung patuloy pa kaung magsama dahil lng sa panghihinayang~~
    nice post

  21. leemi says:

    tama na kung nakakasakit na.. hindi na healthy.
    walang second chance para sa second thoughts.. laging one shot, or ako lang ang di naniniwala sa love is sweeter the second time around?..😦

  22. Benh says:

    hello! naku relate ako dito. sana nabasa ko muna to bago ko natuldukan ang isang bagay na hindi naman tlga dapat tinapos. hehe!😀

  23. duking says:

    hindi ginawa ang puso para lang laging sirain.

    nagtataka lang ako na minsan,sa kabila ng labis nitong pagkasira,parang phoenix itong paulit ulit na nagbabalik sa dati.

    dahil din sa pag-ibig.

  24. -=cuteberl=- says:

    tinapos ko muna po ang mga marka ng lahat bago ako magpasarap. napakaganda ng poste mo. tama ka ang pag-ibig at puso ay di dapat sirain.

  25. gnehpalle02 says:

    gawing bentahe ang pagkasira ng puso ngunit ang ulit-ulit itong sirain… ah may pagkasadista kana nun… ang gandang entry.

  26. yiN says:

    NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

  27. Len says:

    wow.. ang ganda naman, tama, kung magmamahal ka, dapat maging handa kadin sa huli sa maaring maging resulta..🙂

    padaan lang po.🙂

  28. nice.

    madali magmahal. mahirap makipagbreak hehehe.

  29. Juanita says:

    can you give me some websites that news are tagalog?….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s