Ibong Pang-Gabi

Ako si Romeo, ang lalaking uhaw sa lahat ng aspeto. Maaring lahat ng bagay ay mayroon ako pero hindi ako nakukuntento sa ganoon lamang, madali akong magsawa, nagulat nga ang mga magulang ko ng makatapos ako sa kolehiyo sa kabila ng lahat, sabi nga nila isa daw iyong himala, pero kahit na anim na taon akong nag-aral, pinagtyagaan ko talaga yon para sa mga magulang ko. Sa ngayon hindi ko naman nagagamit ang pinag-aralan ko, pero lamang naman ako sa aking mga katrabaho dahil mas madami akong booking kaysa sa kanila…

Hindi ko itatago, pokpok ako, ang panget pakinggan noh, pero yun ako eh. Kaiba ako sa iba dahil hindi kahirapan ang dahilan ko kung bakit ako nasa gantong trabaho. Hindi naman kami mayaman, pero masasabi kong nakakaangat pa din kami sa mga simpleng tao. Saudi boy si Papa, Principal naman sa isang paaralang pang-elementarya sa probinsya si Mama. Siguro kahit hindi ako makipagsex at hindi ako bayaran ng mga customers ko e mabubuhay pa din ako kasi malamang ay nasa opisina ako at nagtatrabaho. Kung ano man ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong mundo, hindi ko din alam. Pero sigurado ako na masaya ako sa ginagawa ko at literal na nakakapagpasaya ako ng iba. Masaya ako kapag nasa akin ang atensyon, masaya ako kapag may yumayapos sa kabuuan ko, ramdam na ramdam kong lalaking lalaki ako.

Hindi ako ibong pang-gabi, kahit anong oras pwedi ako, hindi bugaw ang tawag namin sa head namin kung hindi manager. Wala ako sa bar, wala ako sa aquarium, wala ako sa malate o kahit saan pang pugad ng kalaswaan, madalas nasa spa, gym at bahay lang ako, kailangan kasing maging malinis at makinis, yan ang puhunan ko. Hindi ako long hair, professional akong pokpok, naka neck tie pa nga madalas. Hindi talent fee ang tawag ko sa binabayad sa akin, sometimes i call it as Professional’s Fee, sometime Consultancy Fee, kasi naman I always used my thermometer to test their temperature. hahahaha…

Nagsisimula pa lang ako, muka na bang madaldal? Ganon yata kasi ang mga taong wala laging permanenteng kausap. Sa ngayon sana’y wag nyo muna akong husgahan. Sa mga susunod kong blog I will make sure that lessons are there…

Pero ano nga ba naman ang matututunan mo sa isang pokpok na tulad ko…

Advertisements
Nai-post sa Uncategorized | 114 mga puna

Ang Simula

ako po si Romeo, isang baguhan sa mundo ng blogging. tama ka unang tapak ko pa lang sa mundong ito, sana magkapalagayan tayo ng loob.

simple lang ang dahilan kung bakit ako nagboblog, una para masabi ko ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa madaming tao, pangalawa, gusto kong maibahagi sa lahat ang buhay ko noon sa dilim, sa mundo ng usok ng kalaswaan. nawa ay tanglawan mo ako sa pagtahak ko sa mga bukas ng aking buhay.

samahan mo ako sa aking paglalakbay sa dilim, ligaya, pagluhod, at muling pagbangong ng dating pokpok na tulad ko….

sana ay wag mo muna akong husgahan… hangang sa muli….

ngayon pa lang… MARAMING SALAMAT….

Nai-post sa Uncategorized | 65 mga puna