Frequently Asked Questions

1. Bakit ka pumasok sa ganyang trabaho?

-First of all, I want to say that I am happy for who I am now and for what I am doing, bukod dyan madali lang ang pera dito, marami akong napupuntahan, nabibili ko ang mga gusto ko at higit sa lahat nakakapagpaligaya ako ng iba.

2. Alam ba ng pamilya mo na prosti ka?

-Hindi nila alam, pero alam kong nararamdaman nila.

3. Hindi ka ba natatakot na maari kang magkasakit?

-of course yes, kaya naman nag-iingat ako, tinuturuan din kami kung papaano makakaiwas sa mga sakit gaya ng paggamit ng condom, hindi pagkain ng toottt tooottt ng iba lalo na kung may maliliit na sugat sa bibig. Higit sa lahat, huwag ng makipagtalik kung masama ang pakiramdan.

4. Papaano kung ayaw ng customer mo ng may condom?

-Hindi pweding wala, kailangan kong maging responsableng pokpok, pero minsan pagpinipilit ako, dinadivert ko ang usapan at gumagawa ako ng ibang moves para mawala sa isip nya ang condom. Kapag sobrang marahas na, wala na akong nagagawa pero hanggat maari gumagamit ako kahit na regular customer ko pa sya. No 1 rule yun.

5. Papaano ka nakakakuha ng customer? Anong madalas mong katalik, lalake o babae?

-I have manager, sya ang bahala makipagtransaksyon sa customers, sya ang bahala sa lahat ng booking, as in lahat lahat pati gym, spa at bahay na titiran ko (optional) hanggang sa mga vitamins at mga bagong kaalaman para sa maganda at kaakit-akit na pakikipagtalik. Parehas lang may babae, may lalake.

6. Anong mas gusto mong kasex, Girl o Boy?

-Parehas lang din, feeling ko para akong sinasapian kapag nasa laban na ako, alam mo yung parang hindi na ako yun, siguro dahil sanay na ako, sa totoo lang parang scripted na ang lahat kasi naman paulit-ulit lang ang ginagawa ko, iba-iba  lang ng kaeksena.

7. Edi napasok na din ang yungib ng iyong pagkatao?

-Oo naman, maniniwala ka ba saken kung sasabihin kong hindi?

8. Anong pakiramdam?

-Masakit, sobrang sakit. Next Question.

9. Anong pinaka gusto mong parte ng buhay prosti?

- Yung parang sinasamba ako ng katalik ko, yung parang naibibigay ko yung fulfillment sa kanila na dapat lang naman kasi kadalasan nasa 5 digits ang bayad nila sa amin-medyo mahal pero nakakasigurado naman sila sa serbisyong malinis. At talagang iisa ka pa.

10. Hindi ba mahal yung 5 digits?

-Mahal yun sa simpleng tao lang pero hindi naman sila simple, isa pa escort ang turing nila samen, dapat maganda ang damit-hindi pwedi ang t-shirt at short lang, dapat marunong din mag-english at disenteng tingnan. Madalas formal attire kasi okasyon ang pinupuntahan namin. Hindi naman nila sagot ang isinusuot ko, hindi din naman kailangang paulit ulit na yun na lang lagi, kaya mahal din syempre ang bayad nila. (pero pag ikaw may discount)

11. Ano naman ang pinaka ayaw mo sa buhay mo ngayon?

-Yung may importanteng happenings sa buhay ko pero hindi ako pwede kasi may booking. Lalo na nung 50th birthday of my mother, party yun pero wala ang gwapo nyang anak (iyak)

12. Ano yung karanasan mo sa pakikipagsex na gusto mong maulit muli, saan ito?

-Sa taas ng bundok ng Batanes, walang tao noon, bundok, baka, dagat at ang halos abot kamay ko ng langit ang nakapaligid lang sa amin. Ang sarap sa pakiramdam yung lalabasan ka na habang naghahalo ang lamig at init ng panahon.

13. Ano naman yung gusto mo ng kalimutan at sana hindi na lang nangyari?

-Nung 1st time kong nakipagtalik sa foreigner, na halos mamatay na ako sa sakit pero tuloy pa din sya at wala akong magawa. Alam kong bastos ang pinasukan kong trabaho pero that time feeling ko talagang nababoy ako ng sobra. Hanggang ngayon may trauma pa din ako sa mga foreigners.

14. Message mo sa mga readers mo…

-Hi im Romeo, nagkukwento lang po, sa mga nagsasabing matapang ako dahil hinahayag ko ang buhay ko, ok lang, hindi nyo din naman kasi ako kilala, wala din akong pagkakaiba sa nagsasalita sa TV pero nakatakip sa muka. But then thank you for reading my blog. Kahit isa sa inyo wala akong hinihimok na gayahin ako, illegal akong tao at walang illegal na taong masasabi mong mabuti at sa totoo lang hindi ko pinagmamalaki kung ano man ako ngayon. Panghuli at pinakaimportante, gumamit ng condom then enjoy. Andami kong sinabi pero ang panghuli ang lagi nyong tatandaan.

Dont forget to Smile, yan ang sikreto ng pagiging gwapo.

Posted in Uncategorized | Mga Puna

Threesome

hindi ko alam kung bakit ako napasok sa relasyon sa dalawang magkaibang tao at dalawang magkaibang kasarian. tama ka, isang lalake at isang babae. Ewan ko, basta alam ko masaya naman ako, minsan sakto lang, madalas komplikado.

lihim ang lahat noong una, naniniwala naman kasi akong kaya ko silang ihandle ng sabay at hindi ko kayang mawala ang isa sa kanila. mahal ko ang isa, pero kailangan ko din ang isa.

lalake ako, kailangan ko ng babae. lalake ako pero kailangan din ako ng customer kong lalake.

pero kapag pala naging seryoso ka sa dalawa, sa huli….

miss ko na kayong dalawa…

 

Posted in Uncategorized | Mga Puna

I want to live in DENMARK…

matagal ng napapag-usapan sa internet, at maaring nakarating na rin sa email mo ang mga mararahas na paraan ng pag patay sa mga hayop. kilalang-kilala ang grupo ng PETA na nangunguna sa pagtutol at sumusuway sa parang hindi makatao at mas lalong hindi din makahayop.

sinasabi sa batas ng Pilipinas na ang paraan ng pagpatay sa mga hayop gaya ng mga baka, manok, kalabaw, kabayo at ang mga hayop na hindi nakukuha sa mabilisang pagkitil ng kanilang buhay at dapat gawin ng mabilisan upang hindi na nito maramdaman ang matagalang sakit.

may mga hayop din na binabawal patayin sapagkay sila ay nanganganib ng maubos. Kaya naman may mga bansa na tulad ng sa atin ang tumutulong para sila ay mapanatiling buhay at makita pa ng susunod na henerasyon.

Pero anong gagawin mo kapag nalaman mong may isang bansa ng gumagaw ng mga tulad ng makikita mong larawan dahil sa ito ay kanilang TRADISYON.

para sa karagdagang impormasyon mamaring ivisit ang site ng wikipedia.

nakakalungkot, maaring wala akong sapat na boses pero ipinaaabot ko ang aking walang hanggang PAGTUTOL.

inaalagaan ko sila tapos papatayin mo lang…

Posted in Uncategorized | Mga Puna

PAG-IBIG-sa masalimuot nitong aspeto

Kailan ba dapat makipag breyk? Kailangan bang isaalang-alang ang mga paparating na okasyon o basta nararamdaman mong hindi ka na masaya e sapat ng dahilan yon para tapusin na ang lahat.

Napakadaling magmahal, madali din itong pag-aralan, pero ang pakikipaghiwalay, walang angkop na salitang makakapagpaliwanag ng sakit na dulot nito sa dalawang taong naging talunan. Ang totoo nyan mahirap tumanggap ng pagkakamali, ang hirap din magparaya, pero mas mahirap magpakasaya kahit durog na durog ka na. Lahat yon dapat kayanin ng pusong sugatan para sa kanya at para sa taong minsan din niyang minahal.

May mga pagkakataon na kung anong init ng pagmamahalan nyo noon ay sya namang lamig ng katapusan nito, nakakalungkot din isipin na kahit na ibibigay mo na ang lahat para sa kanya sa pag-aakalang sya na ang dahilan ng pag-ikot ng mundo mo ay dadating pa din sa nakakatakot nitong katapusan. Kailangan nating maging matatag, sa mga puntong ito, hindi dapat galit at luha ang pairalin, dapat nating piliting hanapin ang aral na nakapaloob sa bawat kaganapan sa ating buhay masaya man ito o malungkot.

Kung sabagay hindi mo naman nanaising patagalin pa ang lahat kung tingin mong hindi ka na masaya, ang pag-ibig na pinagtatagal lamang ng dahil sa panghihinayang sa tagal ng pinagsamahan ay isang damong makamandag na hindi makakatulong sa relasyon ng dalawang taong mas mabuting tawaging naglolokohan. Simple lang ang punto, maging handa tayo sa mga posible at nagbabatang mangyari.

Kung ayaw mo na, tama na, pero tandaan mo na huwag kang basta basta nakikipaghiwalay tapos babawiin mo din naman sa huli, mainam pa ang makipag cool off ka muna kung tingin mong kailangan nyo muna ng pahinga. Ang pagbibigay ng tuldok sa isang relasyon ay isang seryosong bagay at kailangan pag-isipan ng mabuti at hindi kailangang paulit-ulit.

Hindi ginawa ang puso para palagi lang sirain

Posted in Uncategorized | Mga Puna

CONDOM-Isang Panangga

Maraming nagsasabi na hindi daw masarap ang pakikipagtalik kung nakasuot pa ng condom. Parang andami pa daw seremonya at kailangan pang gumastos kung pwedi namang hindi na. Kung magkakasakit naman daw, kahit anong iwas ang gawin ng isang tao, bale wala din.

Tahasan akong hindi pumapabor sa ganitong pag-uugali. Ito ay gawain lamang ng isang malibog na hindi responsable sa mundong kanyang ginagalawan. Ako, alam kong mahirap ang trabaho ko at napakaprone ko sa mga sakit gaya ng HIV at AIDS. Bilang isang pokpok, condom lang talaga ang kasangga ko sa pagsisid sa yungib ng iba. SAFE na, MABANGO pa.

Ang sarap, nasa taong gumagawa yan, kahit na hindi ka nakacondom pero tatlong bayo pa lang nilalabasan ka na, nasan ang ligaya don? Dapat kasi titig pa lang nakakalibog na, yung tipong titigasan na agad sila ng nipples wala pa mang nangyayari. Hindi din dapat pasok ng pasok, dapat ay may tinatawag na foreplay, o pre-sex moves o halikan mula tenga hanggang chocknut, you can use your breath-the rush of hot air will create a temperature change in his/her skin and highten arousal. Be naked and be sexy.

Paalala, kung mayroong singaw o maliliit na sugat sa bibig, mas mainam na huwag munang sumubo ng saging o chocknut, maari kasi iyong pasukan ng mga visruses at magdala ng malulubhang mga sakit. Palaging gumamit ng condom, at kung soot na ito, iwasang lagyan ng mga lubricants na mayroong lipids dahil nakakabutas ito ng maninipis na goma.

HINDI MABUTI ANG PAKIKIPAGTALIK SA HINDI ASAWA, PERO KUNG HINDI KA MAKAIWAS, MAARI KA PA RING MAGING RESPONSABLENG TRIPPERS O POKPOK SA ABOT NG IYONG MAKAKAYA.

Posted in Uncategorized | Mga Puna

MTR Shaw

Madalas akong sumasakay ng MRT, wala naman kasi akong sasakyan sa ngayon kaya sanay akong gumamit ng mga pampublikong sasakyan.

Sa panahon ngayon malamig, kaya madalas akong naiihi. hindi mahaba ang post ko, share ko lang sa inyo, sa CR ng MRT Shaw Station, may mga lalaking hindi ko malaman kung naghahanap ng panandaliang aliw. Ginagawa nilang tambayan ang CR doon, halatang may mga binabalak na kakaiba.

Madaming beses ng nangyayari ito sa akin, kapag umiihi ako doon sa urinal, may mga makikisabay sa kunyari, pero halatang sa talong ko nakatingin habang nilalaro ang kanilang sariling armas. Sanay na ako sa mga ganitong eksena, kaya sige tumingin lang sila ng tumingin, pero bawal ang hawak, bilisan din nila kasi mabilis lang akong umihi at hindi ako magtatagal para lang aliwin sila.

Sa mga hindi sanay, mag-ingat kayo sa mga lugar na yan kung ayaw nyong masilipan.

Posted in Uncategorized | Mga Puna

Super Tripper

TRIPPERS ang tawag sa mga taong nakikipagtalik ng walang bayad, yung tipong pampalipas lang ng oras, pampabawas ng init, karaniwan sa kanila ay mga bata pa at estudyante, madalas mangyari ito pagkatapos ng inuman, habang gumagawa ng assignment kunwari, kapag nagkakantsawan o kaya naman ay kahit sa simpleng nagkatinginan lang. Oo ilang beses ko na ring nasubukan ang mga ganyan, one-night-stand kung baga, yung tipong kahit sa CR o kaya ay sa fire exit ok na basta mailabas lang ang mga namumuong ligaya ng katawan. Tinatawag silang ST, short for Super Trippers. Ang mga ST ang kadalasang nagkaka-STD.

Sa kabilang dako, ang mga POKPOK naman ay angat sa mga trippers, masasabing ibang level na, kasi nagpapabayad na kami, pero karaniwan sa mga tulad ko ay nagdaan muna sa pagiging ST bago maging ganap na Pokpok. Syempre kailangan ng expirience para sa magandang resulta ng trabaho.

Kung itatanong mo sa akin kung bakit sinabi kong mas madalas nagkaka-STD ang mga trippers than pokpok, simple lang ang sagot ko dyan. Ito ay ibabase ko sa aking sariling karanasan, hindi ko nilalahat ha, uulitin ko, sarili kong karanasan (baka kasi magalit yung ibang trippers at mumurahing ibon). Noong tripper ako hindi ako maingat, pasok lang ng pasok, kain lang ng kain ng madulas ng chocknut, kahit walang proteksyon go pa rin, masarap e, isa pa hindi naman ako handa kung saan at kailan may mapapagtripan o kaya naman ay kung kailan may makikipagtrip sa akin. Ngayon bilang isang pokpok mas maingat na ako dahil alam kong prone ako sa maraming sakit. Marami ding tinuturo sa amin kung papaano makakaiwas at kung paano ang safe sex pero enjoy pa rin at walang hadlang sa sarap na maibibigay namin sa aming mga kleyente. Ano naman akala nyo sa profession ko, hindi na nag-aaral, may book pa nga kami kaso hindi yun nabibili sa National Bookstore o kahit saan pang tindahan ng libro sa Recto.

Kung itatanong mo naman sa akin kung alin sa dalawa ang gugustuhin mo, mas maganda kung wala, dahil parehas yan na imoral. Oo imoral ako dahil nakikipagtalik ako sa hindi ko asawa, at mali ito sa mata ng tao lalo at higit sa mata ng Diyos.

Kung tatanungin mo naman kung bakit nasa ganito akong trabaho, isa lang ang sagot ko dyan. “kung wala ako, sino na ang magkukwento sayo ngayon?”

Happy Halloween sa inyo, medyo mawawala ako nitong weekend kasi nasa North Luzon ako para sa isa na naman booking, magtutulos na naman ng kandila, naghahanda na nga ako dahil ilang araw na lang mapapalaban na naman (ganyan kame, mas mabili kapag holiday)…. hahahaha… Bye, till next time…

Posted in Uncategorized | Mga Puna